Tuesday, March 19, 2019

Advocacy For The Agricultural Sektor

Sinasabing napakayaman ng  Pilipinas sa mga likas at mapagkukunang yaman, ngunit nito lamang nakaraan, nagkalat sa balita ang pagtaas ng bilang ng mga produktong pang agrikultura na inaangkat natin mula ibang bansa. Bakit nagkaka-ganito? Bakit nangangailangang mag angkat, kung maaari namang sa ating mga lokal na mangingisda na lamang bumili ng isda,at sa mga lokal na magsasaka  na lamang bumili ng mga pangangailangan mula sa bukid? 

Ang ating pamahalaan ang namamahala sa mga kalakalang ito, hindi ko sinasabing may kasalanan sila o may nagaganap na anomalya sa prosesong ito, ngunit paano naman tayo aangat? Paano tayo uunlad? Paano aangat sa laylayan kung ang nagbibigay ng ating mga pangangailangan ay ang siya palang tunay na nangangailangan? Hindi ba dapat mas bigyang pansin at gawing prayoridad ang ating mga kababayan? Sa suliraning ito, di lamang gobyerno ang may pagkukulang, pati tayong mga mamamayan ay mayroon din. Nagkukulang tayo sa kaalaman at disiplina, ngunit ano ba ang magagawa natin para makatulong sa mga suliraning ito? Gamitin kung anong meron, wag sayangin ang nakahain na sa harap natin. Isang paraan ay ang Social Media, sa panahon ngayon, lalo nang dumadami ang mga taong gumagamit nito kaya naman di na mahirap na magbigay impormasyon sa nakararami. Dapat tayong maging impormado sa kung ano mang nangyayari sa ating paligid, dahil naniniwala ako na kasalanan nang pumikit kapag namulat na sa katotohanan, kaya sana'y sa bawat panawagang nababasa natin, ay namumulat din ang ating puso't isipan na gumawa ng pagbabago na tutulong sa ikauunlad ng isa't isa. Para naman magampanan ito, kailangan natin ng disiplina sa sarili, dahil walang mangyayari kung di tayo kikilos.

Social Media ang maaaring magsilbing boses nating mga mamamayan, malaking tulong ito, upang mas madaling makarating sa pamahalaan ang ating mga sari-saring opinyon. Gamit ito, maari nating isa-boses ang mga opinyon para sa mas progresibong irigasyon, para sating mga magsasaka, at mas ligtas na pangingisda para sa mga mangingisda. Social Media Awareness ay napaka importante at mabisa, ito na ang isa sa pinkamadaling paraan na magagamit natin tungo sa pagbabago. Disiplina sa sarili ay kailangan din natin para naman umunlad din tayo bilang isang indibidwal.